RATED R
ni Rommel Gonzales
MULA sa fantasy series na My Guardian Alien ng GMA na umere noong nakaraang taon kasama si Marian Rivera, sasabak naman sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion, sa My Father’s Wife.
Kamusta ang shifting sa isang super heavy drama na serye?
“Well, okay naman dito dahil parang Alien din ito, pareho kami ni Jak Roberto sa ibang mundo eh,” umpisang hirit ni Gabby na tinutukoy ang isa sa mga kapwa niya artista sa serye na si Jak Roberto.
“So hindi… pero ito si Jak, first time kong makakasama, nagkataon naman na he’s a rider also, we have something in common, all of a sudden, oo.
“Aside from the fact na kasama ko ‘yung sister niya, sa ‘First Lady’ and ‘First Yaya.’”
Younger sister ni Jak si Sanya Lopez na leading lady ni Gabby sa dalawang nabanggit na Kapuso shows.
Kinumusta naman namin ang puso ni Gabby ngayon. Ano ang advice niya sa mga “sira” ang puso?
“Well, eto na nga, kaya kami nagsasama ni Jak kasi marami kaming pag-uusapan, kasi siyempre ‘yung mga nangyayari sa showbiz, eh pang-showbiz lang talaga. So ‘pag nag-beach kami, siyempre mag-uusap kami ng kung ano-ano, pag-uusapan namin.”
Yayayain niya si Jak sa kanyang beach house sa Batangas.
“So iyon, siguro next interview na lang, sayang ‘yung information,” at muling tumawa ang aktor.
Pero sa pagkakaalam ni Gabby sa mga naganap, ang breakup nina Jak at Barbie Forteza, ano ang puwede niyang words of wisdom sa kasamahang aktor ngayon?
“Wala, move on lang, move on. Move forward. We don’t forget about the past, it’s hard to forget but we learn from it.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com