Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead Rape

Sakal hindi kasal regalo ng nobyo sa buntis na nobya

IMBES kasal, sakal hanggang mamatay ang sinapit ng isang 18-anyos dalaga sa kamay ng kanyang nobyo nang ipagtapat na siya ay buntis saka ibinaon sa tagong lugar sa Purok-5, Brgy. Pawa, Tabaco City, Albay kahapon ng madaling araw.

Katarungan ang sigaw ng naghihinagpis na mga kaanak ng biktima, kinilala sa alyas na Ann Rose, na nakatkdang magkolehiyo ngayong pasukan.

Sumuko sa Tabaco City Police Station matapos makonsensiya ang suspek na si alyas Noel, 20 anyos, kapwa residente sa naturang barangay.

Nabatid, hatinggabi noong Linggo ay boluntaryong sumuko kasama ang kanyang mga magulang ng suspek sa police station at umaming napatay nito ang kanyang kasintahan na dalawang araw nang nawawala at pinaghahanap.

Naikuwento ng suspek na ibinaon niya ang kasintahan.

Dahil sa pag-amin, kasama ang suspek ay agad pinuntahan ng mga pulis ang lugar na pinagbaunan sa biktima kahapon ng madaling araw.

Sa ilang sandali ng paghuhukay ay tumambad ang nakabaong bangkay ng dalaga.

Nabatid na noong Biyernes ay nagkita ang magkasintahan sa isang kubo sa naturang lugar at nag-usap hinggil sa pagbubuntis ng dalaga.

Sa gitna ng pag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sakalin ng suspek ang kasintahan hanggang mamatay.

Nang mapagtantong kanyang napatay ang nobya, dinala ng suspek ang bangkay sa labas ng kubo at gamit ang pala ay ibinaon ang dalaga sa isang tagong lugar.

Ngunit makalipas ang ilang araw ay nakonsensiya at umamin sa mga kamag-anak at magulang sa krimeng ginawa.

Depensa ng suspek, una siyang sinakal ng biktima kaya niya nagawang sakalin hanggang mamatay.

Hinihintay ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ni Ann Rose para malaman kung buntis nga at ano ang sanhi nang pagkamatay.

Hawak ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong pamamaslang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …