MATABIL
ni John Fontanilla
MAY bagong tambalan na aabangan sa Barangay LSFM 97.1 tuwing Sabado at Linggo, 6:00-9:00 a.m. sa programang SongBook, ang tambalang Janna Chu Chu at Ms. K..
Hatid nina Janna Chu Chu at Ms. K ang mga 80′ at 90’s music tuwing Sabado at 60’s and 70’s music naman tuwing Linggo ng umaga.
Mga awiting swak na swak sa panlasa nina Nanay, Tatay, Tito, at Tita tuwing Sabado at para naman kila Lolo at Lola tuwing linggo. Ka-join na rin ang mga Gen Z na nahihilig na rin sa mga Old Song.
Kaya naman tutok na sa numero unong programa tuwing Sabado at Linggo ng umaga ang programang SongBook at mag-request ng kantang bet na bet n’yong kinakanta sa Videoke
at samahan sina Janna Chu Chu at Ms K.
‘Wag din kalilimutang pakinggan ang iba pang programa ng number one radio station sa bansa ang Barangay LSFM 97.1 katulad ng Pot Pot & Friends nina Papa Jepoy at Papa Carlo, Talk To Papa nina Papa Ace, Papa Yohan, at Lady Gracia, Barangay Love Stories ni Papa Dudut, Forever Requestnina Mama Emma, Papa Obet, Mama Belle, at Ms. K at Wanted Forever ni Papa Bol.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com