Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz Julie Anne San Jose

Rayver ibinuking kilig kay Julie Anne hindi nawawala

MA at PA
ni Rommel Placente

TATLONG taon nang magkarelasyon sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Ayon sa una,  kilalang-kilala na nila ang ugali ng bawat isa kaya alam na nila kung paano iha-handle kapag may mga issue sila sa kanilang relasyon.

Sabi ni Rayver, ”what you see is what you get naman sa amin, eh. Sobrang genuine lang ng relationship namin, wala kaming…alam mo ‘yung mga filter?

“I mean, minsan nga nakakalimutan ko na naka-IG live pala kami, ipinakikita ko ‘yung tunay na sarili ko na. Alam mo ‘yun? 

“And every time na kasama ko siya, hindi nawawala ‘yung kilig ko kapag kasama ko siya, so ayun.”

Tungkol naman sa pagpapakasal, ang sabi ni Rayver, “Siyempre roon naman na papunta. Wedding plans, napag-uusapan na namin. Pero ‘yung wedding plans kasi, gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.

“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari,” aniya pa.

Sundot na tanong sa aktor kung next year na ba ang wedding? 

“Malalaman din naman ng lahat. At saka siyempre iyang plano na ‘yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”

Ready na ba siyang maging asawa at tatay?

“Kapag dumating ‘yung araw na ‘yun, oo naman, oo naman. And hindi na rin naman ako bumabata. Tuwang-tuwa ako sa mga pamangkin ko, sa mga anak ni Rodjun (kapatid niya).

“So, I think kapag dumating ang araw na ‘yun masaya iyon, brand-new journey and panibagong simula,” sabi pa ng boyfriend ni Julie Anne.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …