Thursday , June 4 2026
Scam fraud Money

Suspek sa P5-B investment scam
MAG-ASAWA, SEKRETARYA TIKLO SA BATANGAS

ARESTADO ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon ang mag-asawang may-ari ng isang kompanya at ang kanilang sekretarya kaugnay sa pinakamalaking kaso ng P5-bilyong investment scam sa lalawigan ng Batangas.

Unang inaresto ng Alitagtag MPS ang sekretarya ng kompanya na kinilalang si Apply Joy Templo, 29 anyos, sa kaniyang inuupahang bahay sa Brgy. Poblacion 2, Balayan, Batangas.

Nakatala si Templo bilang no. 5 provincial most wanted person ng Batangas sa kasong syndicated estafa, batay sa warrant of arrest na inilabas ng Las Piñas City RTC Branch 253.

Gamit ang parehong arrest warrant, inaresto ng Cuenca MPS, kasama ang mga operatiba ng Occidental Mindoro PPO ang mag-asawang suspek na kinilalang sina Ronald Rivera, 34 anyos, presidente at CEO ng kanilang kompanya; Shielan Criscel Rivera, 34 anyos, sa bayan ng Calintaan.

Ayon kay P/Maj. Charlie Reyes, hepe ng Cuenca MPS, agad nilang minanmanan ang kinaroroonan ng mag-asawa matapos makompirma ang arrest warrant laban sa kanila.

Nakapagpatayo ang mag-asawa ng batching plant sa Occidental Mindoro sa kabila ng maraming reklamo mula sa mga investor sa Batangas.

Noong 2023, lumapit na ang ilang biktima sa Department of Justice (DOJ) upang humingi ng tulong laban sa mag-asawa.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Batangas, partikular sa Lipa at Cuenca, kung saan iniulat ang kanilang pagkalugi na aabot sa daan-daang milyong piso.

Nabatid na mayroong ilang naloko rin ang mag-asawa sa Metro Manila at maging sa Hilagang Luzon.

Noong 2021,  nagsimulang mag-alok ng investment ang kompanya ng mag-asawa, na nangangako ng halos dobleng kita sa maikling panahon.

Sinabi umano ng mag-asawa sa mga investor na marami silang order para sa aggregates at mabilis ang balik ng puhunan.

Upang patunayang lehitimo ang negosyo, ipinasyal pa ng mga suspek ang mga investor sa kanilang planta.

Matapos ang ilang transaksiyon, nabigong maibalik ng mag-asawa ang puhunan at wala din natanggap na kita ang mga biktima.

Nagsimula na rin tumalbog ang mga tsekeng ibinigay sa kanila.

Tumanggi ang mga suspek na magbigay ng pahayag sa media.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

Samantala, patuloy an pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek na kamag-anak ng mag-asawang Rivera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …