Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd EDDYS Icons Laurice Guillen Odette Khan Perla Bautista Pen Medina Rosemarie Gil Eddie Mesa

6 respetadong veteran stars pararangalan sa 8th EDDYS ng SPEEd

PARARANGALAN bilang Movie Icons ngayong 2025 ng 8th EDDYS Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga respetadong veteran star na sina Laurice Guillen, Odette Khan, Perla Bautista, Pen Medina, at mag-asawang Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

Iginagawad taon-taon ang EDDYS Icons sa mga haligi ng industriya bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon, at mahalagang kontribusyon.

Ang ika-8 edisyon ng The EDDYS ay gaganapin sa July 20, 2025 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City, at magkakaroon ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.

Mamimigay din ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi sa 8th EDDYS ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Pararangalan din sa 8th EDDYS ang Producer of the Year na naging masigasig sa paggawa ng mga de kalidad na pelikula na nag-iwan ng marka at aral sa mga manonood.

Muli ring bibigyang-pugay at parangal ng samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga kasalukuyan at dating entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals, ang mga tumaya para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon ng The EDDYS Box Office Heroes.  

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …