Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kathryn at Mayor Mark spotted sa BGC

MA at PA
ni Rommel Placente

SPOTTED na magkasama umano sina Lucena Mayor Mark Alcala at ang aktres na si Kathryn Bernardo sa Bonifacio Global City (BGC) noong June 6, 3:00 a.m., ayon sa report ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog, kasama sina Mama Loi at ate Mrena.

Ayon sa kanila, nakuha nila sa Reddit website na spotted nga sina Mayor Mark at Kathryn, at nakita pa nga ang alkalde na nagpapa-picture sa mga naka-scooter.

Kung totoo ngang magkasama ang dalawa ng madaling araw, ibig sabihin ay talagang may something na sa kanila. Pero saan kaya sila galing at inabot na sila ng madaling araw?

At siguro, inakala nilang walang gaanong tao sa mga ganoong oras, eh, hindi ba nila naisip na maraming call centers sa BGC at maraming umuuwi ng ganoong oras at higit sa lahat maraming gumigimik sa nasabing lugar.

Base sa binasa ni Ogie ay maraming hindi naniniwala dahil wala namang larawang lumalabas bilang resibo na nakikita nga ang dalawa.

Labasan kasi ng resibo ang basehan ngayon para maniwala ang lahat na ‘yung tipong hindi na maitatanggi pa ng mga taong involved.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …