Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Antonio Goitia Gilberto Teodoro

Pagpalag ni Teodoro vs Chinese officials suportado ni Goitia

NAGDEKLARA ng matinding suporta si Chairman  Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia kasama ang  kaniyang  tatlong grupo ng makabayang Filipino sa pagpalag ni  Department of National  Defense  (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa mga tanong na ibinato ng dalawang mataas na opisyal ng militar ng China na maituturing na isang paraan ng pambu-bully sa isinagawang  taunang security forum  na ginanap sa  Shangri-La hotel sa Singapore. 

Ang deklarasyon ng pagsuporta ay ipinahayag sa pamumuno ni Chairman Emeritus Goitia kasama ang kaniyang libo-libong miyembro na kumakatawan sa  mga grupo ng  Alyansa  ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement at People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na matagal nang nagpapakita ng  kanilang  pagtutol sa mga agresibong pag-atake ng China sa Filipinas, maituturing na paglabag sa kasunduang naaayon sa pinirmahan sa United Nations  Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 10 Disyembre 1982.

Ayon kay Chairman Emeritus Goitia, ang mga binitiwang tanong ng dalawang opisyal ng China ay isang bitag para kay Secretary Teodoro upang magbigay ng marahas na tugon sa maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Goitia, hinangaan niya ang katapatan ni Secretary Teodoro sa pagtugon sa mga tanong ng dalawang military official ng China na pinalakpakan ng mga dumalo sa forum.

“Ang pagsagot ni Secretary Teodoro ay maituturing na isang hindi direktang pang-iinsulto na nagmula sa isang opisyal na may integridad,” saad ni Goitia.

Idinagdag ni Goitia, ang kanilang grupo ay sumusuporta sa pahayag ni Secretary Teodoro na bagamat ang Filipinas ay kabilang sa Association of Southeast  Asian Nations (ASEAN) ito ay isang sovereign country na may sariling teritoryong may integridad at soberanya na nagrerespeto sa UNCLOS.

Idiniin ng Chairman Emeritus, sobra na ang paglapastangan at pambu-bully ng China sa ating karapatan base sa napakaraming napaulat na  agresibong aksiyon ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Filipinas tulad ng water cannon blasting at laser targeting at maging sa mga mangingisdang Filipino na naghahanpbuhay sa karagatan ng Filipinas.

Upang ipakita ang kanilang pagkadesmaya sa ginagawa ng gobyerno ng China, pangungunahan ng PADER ang pagsusulong ng iba’t ibang uri ng mass actions sa Mendiola at maging sa harap ng Chinese Embassy sa Makati City samantala ang dalawang grupo ng ABKD at FDNY Movement ay magra-rally  sa harap ng tanggapan ng (DND).

Matatandaang si Defense Secretary Teodoro ay dumalo sa isang forum na isinasagawa ng International Institute for Strategic Studies (IISS) na inorganisa ng IISS Singapore noong 1 Hunyo 2025. Isa itong taunang forum ng pagtitipon ng mga ministers of defense, matataas na pinuno ng militar at eksperto sa seguridad mula sa Asian-Pacific region upang talakayin ang mga hamon na kinakaharap ng mga bansa at upang magtatag ng kooperasyon sa paglutas ng mga kaguluhan. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …