Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Bato dela Rosa

Pabor kay VP Sara
BATO UMAMIN PASIMUNO NG KONTRA IMPEACHMENT

INAMIN ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na isa siya sa mga utak ng kumakalat na resolusyon na inirerekomenda sa senado na ibasura ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, nag-ugat ang kanyang panukala matapos ihayag ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na tila patay na ang impeachment complaint laban kay Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa, bukod sa kanyang panukala ay mayroong tatlo pang bersiyon at ito ay pinagsasama-sama nila upang higit na makabuo ng isang bersiyon na magpapaliwanag nang malinaw at hihikayat sa mga senador para lumagda at suportahan ito.

Ngunit tumanggi si Dela Rosa na tukuyin kung sino-sino pa ang ibang mga senador na may bersiyon.

Aminado siya na mayroong mga senador ang nagpahayag ng suporta sa kanyang panukala ngunit hindi pa siya handa na ibunyag ang mga pangalan nito.

Tanging sinabi ni Dela Rosa na mayroon siyang numero sa pagitan ng 0 to 23  senators at kabilang na siya roon.

Tiniyak ni Dela Rosa na kanyang ihahain ang naturang panukala sa takdang panahon upang matalakay sa sesyon ng senado sa sandaling makalap na ang sapat na lagda ng mga senador.

Paliwanag ni Dela Rosa, mayroon siyang paninindigan at handa niyang tayuan ang kanyang desisyon ukol sa isyu lalo na’t ito ay mapagdedebatehan din pagdating sa susunod na kongreso.

Sinabi ni Dela Rosa na nakita at nabasa na rin ni Senadora Imee Marcos ang kanyang draft resolution ngunit tumanggi siyang sabihin kung nakalagda na o hindi pa.

Sa isang panayam, inamin ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na nakarating at nakita na niya ang naturang resolusyon.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …