Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Kevin Labog

PH chess wizard Marc Kevin Labog naghari sa Bangkok chess tilt

NAGHARI si PH chess wizard Marc Kevin Labog sa katatapos na JCA Blitz May 2025 chess tournament na ginanap sa Paradise Park Mall, Bangkok, Thailand nitong Sabado, 17 Mayo 2025.

Si Labog, Sr Billing Analyst sa Datamatics Philippines ay nakaipon ng 8 puntos sa siyam na laro mula sa pitong panalo at dalawang tabla para maiuwi ang titulo.

Kabilang sa tinalo ni Labog sina Nakorn Nakthip ng Thailand (Round 1), Edward Tunguia, Philippines (Round 2), Roberto Suelo, Jr., ng Laos (Round 4), Louie Salvador, Philippines (Round 5), NM Ric Portugalera, Philippines (Round 7), AIM Remark Bartolome, Philippines  (Round 8) at FM Jimson Bitoon, Philippines (Round 9).

Tabla siya kontra kina Allan Pason, Philippines (Round 3) at FM Deniel Causo, Philippines (Round 6).

“I would like to dedicate my victory to my family, my friends, and especially to God,” sabi ni Labog na dating pambato ng Adamson University chess team.

Si Labog na chess prodigy mula Solano, Nueva Vizcaya, ay nagkampeon din sa Spring Blitz Tournament na ginanap sa Chess Lab Al Quoz, Dubai, United Arab Emirates nitong 2 Abril 2025.

Nagbigay si Datamatics’ Financial Controller Glory Grace Branzuela.

“Kevin demonstrates excellence not only in chess but also serves as a vital asset to the Finance Team at Datamatics,” ani Glory Grace, team captain ng  Datamatics chess team. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …

Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED Rni Rommel Gonzales NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente …

Alesandrea Carpio PSA Forum PSC

Filipinas, Tutok sa Teamwork para sa World Cup

IPINAHAYAG ni Filipinas forward Alesandrea Carpio na iisa lamang ang pinakamabisang paraan upang makapaghanda ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …

Special Olympics Pilipinas SOP PSC

SOP pinalawig ugnayan sa PSC; PH magho-host ng Asia Pacific 3×3 tilt

SA patuloy na pagsisikap tungo sa mas inklusibong mundo ng palakasan, pinalawig ng Special Olympics …