Friday , February 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagpapasabog ng granada sa isang health spa nitong Huwebes sa Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Deputy District Director for Administration/Officer-In-Charge P/Col. Randy Glenn Silvio, bandang 7:50 ng gabi nitong Sabado nang madakip ng  District Intelligence Division (DID), Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), District Special Operations Unit (DSOU), District Anti-Carnapping  Unit (DACU), CIDG-QC, Kamuning Police Station 10, at operatiba ng Valenzuela City Police Station ang negosyanteng si alyas John Paul, 24 anyos, at ang nagsilbing driver ng  riding in tandem na sinabing naghagis ng granada sa White House Spa  sa Brgy. Obrero, Quezon City.

Patuloy na pinaghahanap ang tatlo pang suspek na sina alyas Reginaldo, isang SK Kagawad ng Caloocan City, alyas Arnelly na sinabing middleman, at isa pang hindi kilala na pinaniniwalaang mastermind sa insidente.

Si Arnelly ang nakikipag-usap sa mastermind at sa suspek na si alyas Reginaldo.

Ayon sa ulat, nadakip si John Paul matapos na kilalanin sa CCTV at nasundan sa Valenzuela City na nakitang nagpalit ng damit at naglagay ng plaka ng motorsiklo.

Nakuha kay alyas John Paul ang isang motorsiklo; half-face helmet;  khaki camouflage jacket; black hoodie jacket; at pares ng gray jogger pants, na pinaniniwalaang gamit ni alyas Reginaldo.

Sasampahan ng kasong Arson sa ilalim ng RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) si alyas John Paul  sa  Quezon City Prosecutor’s Office habang patuloy ang manhunt operation laban sa tatlong iba pa.

“The QCPD remains committed in solving this case and bringing all those involved to justice. Hence, we urge the public to support our efforts by reporting any relevant information to the nearest police station or through the QC Helpline 122. Binabati ko rin ang lahat ng operatiba na nagtulong-tulong upang maresolve ang incident. Together, we can make our communities safer,” ani Silvio. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng …