Thursday , June 4 2026
Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco na ginagamit din ang bahay ng mambabatas bilang lugar para sa ‘vote buying’ na itinatago bilang ‘payout’.

Ayon kina Henry Olid at Shirly Lagradante, kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawa sa mismong bahay ni Haresco ang pamimigay ng pera para sa pagbili ng boto.

“May natanggap tayong impormasyon na may ginagawang ‘vote buying’ sa bahay mismo ni Haresco. Hindi lang natin ito makompirma dahil bantay sarado ang bahay kapag ginagawa nila ito,” wika ni Lagradante.

“Ganito rin ang nangyari noong nabisto namin ang ginagawa nilang pamimili ng boto sa Barangay Tibiawan. May mga kasama rin silang taga-DSWD para palusot na payout ng financial assistance ang ginagawa at hindi vote buying,” ani Olid.

Sa kanilang petition for disqualification laban kay Haresco, sinabi nina Olid at Lagradante na personal nilang nakita ang staff ng kongresista na si Shiela Puod at ng kanyang asawang si Barangay Kagawad Ronilo Puod sa kanilang bahay na nagpapamigay ng pera kapalit ng boto para kay Haresco.

Nakita rin nila sa bahay ang dalawang DSWD-Region VI contract of service worker na kinilalang sina Rhea Latumbo and Pinky Bunda

Tatlong iba pang testigo ang nagsumite ng kani-kanilang sinumpaang salaysay na nagpapatibay sa pahayag ng mga complainant.

Anila, tig-₱2,000 ang ibinigay ng mag-asawang Puod sa mga residente kapalit ng pangakong suporta sa kandidatura ni Haresco.

“The payout was clearly done with the objective of influencing the outcome of the May 2025 elections. The witnesses attested that the recipients were identified based on their expected support for Respondent Haresco,” sabi ng petisyon.

Bukod sa mga affidavit, kalakip rin sa reklamo ang mga larawan at video ng insidente ng pamimili ng boto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …