Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIG
ni Bong Ramos

WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao man o mga karatig bayan at maging sa buong Mindanao.

Maski sa The Netherlands, Hong Kong at sa ibang panig ng mundo ay wala rin itong silbi at hindi mapa-pansin.

Maaaring solid nga ngunit hanggang doon na lang sila sa mga nasabing lugar.

Sa bandang huli kasi ay lungsod muna ng Maynila at buong National Capital Region (NCR) ang kailangan nilang makuha bago mapasakanila ang buong Filipinas.

Sabi nga, kung nasaan nng Maynila ay naroon ang bansa, dahil ito ang seat of government power at sentro ng buong Filipinas.

Sayang lang ang protesta, mga rally at pagka-kaisang ipinapakita ng mga DDS dahil sila-sila lang ang nakaririnig at nagkakaintindihan.

Mas mainam pa siguro kung languyin na lang nila mula Davao hanggang Maynila at baka sakaling maka-kuha pa sila ng simpatiya.

At kung pagiging solid naman ang pag-uusapan ay baka ‘di hamak na mas matikas ang mga Tagalog at mga taga-Norte na sinasabing baluwarte ni PBBM.

Baka raw parang kamot lang sa likod nito at kapiranggot lang kung ikokompara sa pangkalahatan at sa buong Filipinas.

Sa puntong ito ay namamalaging kalmado lang si PBBM na maaaring tinatawanan lang silang lahat sa kanilang mga kalokohan.

Ayon sa mga eksperto, knock-down na raw si FPRRD at hindi na makababangon kahit bilangan pa ng referee ng hanggang 5000 kung kaya’t huwag na raw humirit pa.

Ito anila ng knockout punch na napala ni Digong ay galing sa kamao ng sambayanang Filipino na masyadong naalipusta at naapi noon sa kanyang administrasyon.

Paano na raw ang libo-libong biktima na namatay at pinatay sa kasagsagan ng kanyang gera laban sa droga.

Mga biktima na pinatay na parang mga ibon o pusang gala ng kanyang gobyerno, ano na ang nangyari?

Hindi na nakapalag at nakahirit pa dahil utos daw ito ng Presidente gayon din ang mga nagpatupad nito na may basbas at blessing ng pangulo kaya ano pa ba ang inihihirit ninyo?

Bukod sa isinampang kaso ng ICC na Crimes Against Humanity ay marami pang anomalya ang kinasangkutan ng mga Duterte sa pangunguna ni VP Sara, asawa nitong si Atty. Manz Carpio at mga Kapatid nitong si Polong at Baste.

Ang mga kaganapan bang ito ay nararamdaman o ‘di kaya’y naririnig ng mga DDS?

Itinatanong ba nila sa kanilang mga sarili kung may hustisyang nakuha ang mga namatay tulad ng hustisyang hinihingi nila para kay Digong?

Hindi yata fair and square ang gusto nilang mangyari, hindi ba kayo self-centered na walang inintindi kundi kapakanan lang ng isang tao at hindi ang kapakanan ng nakararami?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …