Monday , March 31 2025
Bam Aquino Pio Balbuena

Pio Balbuena nagpasalamat kay Sen Aquino sa pagbibigay pag-asa sa mga tambay

NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito sa tulong ng independent senatorial candidate na si Bam Aquino.

Ganoon na lamang ang pasasakamat ng rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating Senador Bam sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga tambay na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kanyang batas sa libreng kolehiyo.

Sa isang vlog, sinabi ni Pio na napakasuwerte ng mga tambay dahil makapagtatapos na ang mga ito ng kolehiyo sa tulong ng batas na iniakda ni Senador Aquino.

Aniya, hindi lang diskarte ang mahalaga para magkaroon ng magandang buhay kundi ang pagkakaroon din ng diploma.

Dagdag pa ni Pio, kung nalaman niya agad ang tungkol sa libreng kolehiyo ni Senador Aquino, sana ay pinursige na niya ang pangarap na kurso.

Hinikayat naman siya ni Senador Aquino na hindi pa huli ang lahat at kaya pa niyang maabot ang pangarap sa tulong ng batas sa libreng kolehiyo.

Natuwa rin si Pio sa plano ni Senador Aquino na itawid ang libreng kolehiyo sa siguradong trabaho kapag nakabalik siya sa Senado.

Bukod sa pagiging rapper/actor/director at vlogger, si Pio ang may-ari ng sikat na Tambay caps na kilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa pamamagitan ng kanyang kompanyang Tambay Traders Inc., nakapagbibigay din siya ng kabuhayan sa mga tambay.

Samantala, kalalabas lang ng bago niyang single na 45 BARS. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tony Gloria

Founder ng Unitel Pictures na si Tony Gloria namaalam na

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang film producer na si Tony Gloria sa edad na 79. Naging …

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Management ni Jojo Mendrez umamin sinakyan pag-uugnay kina Mark, Rainier

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA last presscon ng tropa ni Jojo Mendrez kaugnay pa rin ng mga …

Vice Ganda Ion

Garage sale nina Vice Ganda at Ion pinagkaguluhan 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DINAGSA ang garage sale nina meme Vice Ganda at Ion Perez na nagsimula kahapon at …