Thursday , June 4 2026

Bonsai tree plants, bad feng shui?

 

ANG bonsai tree plants ba ay bad feng shui para sa bahay?

Ang tanong kaugnay sa feng shui use ng bonsai tree sa ano mang lugar, sa bahay man o sa opisina, ay tanong na walang eksaktong sagot na “Oo” o “Hindi”.

Ito ay dahil ang pakinabang (o hindi) ng feng shui use ng ilang items ay ang home owner lamang ang makapagdedesisyon. Ang ibig sabihin, ang item katulad ng bonsai tree ay maaaring magbuo ng excellent feng shui energy/associations para sa iyo habang sa iba ang bonsai tree ay maaaring maging bad feng shui o magbubuo ng bad associations.

Ang symbolic level ng feng shui ay nagaganap kapag ipinagkatiwala mo na sa iyong sariling pakiramdam ang specific item sa inyong bahay, ito man ay bonsai tree o colorful painting. Hindi ito sinasabing walang specific guidelines, o panuntunan, sa punto ng paggamit ng feng shui cures.

Ang ilan sa panuntunan ng feng shui world ay napakalinaw, at ang iba ay madalas na kailangan ng interpretasyon. Halimbawa, ang panuntunan kaugnay sa clutter bilang very bad feng shui ay napakalinaw na panuntunan, gayundin sa panuntunan kaugnay sa kahalagahan ng malakas at matibay na front door.

Gayunman, sa punto ng feng shui ng bonsai trees, pumapasok ka sa teritoryo ng “Alam ko kung ano ang sinasabi nila, ngunit ito ang paniniwala ko.” At may karapatan ka sa iyong sariling paniniwala.

Kaya ikaw ang bahalang magdesisyon kung ano ang makabubuti sa iyo sa puntong ito.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …