Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Pangilinan Toni Gonzaga Toni Talks

Kiko Pangilinan ibinahagi love story nila ni Sharon, pangarap na maging astronaut

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LOVE at first sight, pagbubuking ng tumatakbong senador na si Atty Francis “Kiko” Pangilinan sa sarili sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa Youtube channel nitong Toni Talks ukol sa  kung paano nagsimula ang love story nila ni Sharon Cuneta.

Tila kinikilig pa rin si Kiko sa pagbabahagi ng kanilang lovestory ni mega.

Aniya, “She was a gust promoting one of her movies, and I was completely starstruck. I thought myself, ‘do I even have a chance?’” 

Una niyang nakita si Sharon sa Hoy Gising shownang kunin siya ng ABS-CBN para maging co-host sa legal talk portion nito.

At nakuha ni Kiko ang matamis na yes ni Sharon dahil aniya. “I kept showing up, making her laugh and eventually she said yes.”

Ang pangyayaring ito ang maituturing ni Kiko na best plot twist sa kanyang buhay na bagamat natalo sa politika (tumakbo siyang representante sa Quezon City) waging-wagi naman siya sa love. “That’s the best plot twist of my life,” anang tumatakbong senador para sa May 2025 election.

Pero bago ibinahagi ni Kiko ang ukol sa kanila ni Sharon, sinabi muna nitong childhood dream niya ang maging astronaut. 

I watched the Apollo moon landings, and I was hooked,” nangingiting pagbabalik-tanaw ng mister ni Sharon. 

I told myself, ‘one day, I’m going to be an astronaut.” 

Subalit nabago ng tadhana at adventure ang pangarap niyang ito. Mula sa pagiging astronaut, mas naging gusto niyang magsilbi sa kapwa. 

“I realized that while I couldn’t reach for the moon, I could still make a difference here on earth.

“And that’s when I started to think about leadership and service.”

At natutunan niya ang pagtulong at paghubog ng magandang kaugalian mula sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang civil engineer, entrepreneur samantalang isang dedicated public school teacher naman ang kanyang ina na involve sa community work.

“My dad showed me the value of hard work and perseverance, a deep love for country, a sense of duty to help those with less, while my mom taught me compassion, service to others and the power of prayer,” emosyonal na wika ni Kiko.   

I saw my mom help students and neighbors without expecting anything in return. 

“It was her quiet leadershio that made me realize that you don’t need a title to serve. That’s where my journey began,” pagbabahagi pa ng senador.

Kaya naman isa ito sa dahilan kung bakit ang pangarap na maging astronaut ay unti-unting nawala.

Napag-usapan din nina Kiko at Toni ang ukol sa advocacy sa mga magsasaka ng una. “I didn’t start out in politics thinking I’d focus on agriculture,” pag-amin ni Kiko. Pero dahil sa isang bagyo, nasira ang pananim ng kanilang bukirin. Halos lahat ng tanim doo’y wala silang napakinabangan.

I experienced firsthand what farmers go through and it changed me,” anito.

Kaya naman ang pangyayaring iyon ang naging daan para magising siya para ipaglaban ang agricultural reforms. “It’s not just about food security, it’s about justice for our farmers.

“Their struggle became my fight.”

Kaya naman ngayong Mayo, handang-handa nang bumalik si Kiko sa senado.

 “I’ve served without any taint of graft or corruption,” giit ni Kiko.

 “I believe in integrity, and I think the Filipino people are looking for leaders they can trust.”

Idinagdag pa ng mister ni Sharon, “I still have dreams for this country. I want to fight for our farmers, improve education, and bring about good governance.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …