Sunday , April 6 2025
NO SHADES vs POLITICAL DYNASTIES (Balota protektahan)
KABILANG sa mga miyembro ng political dynasty na tinukoy sa tarpaulin ng Socialista para huwag lagyan ng shades sa balota sina Imee Marcos – kapatid ng Presidente at anak ng diktador; Camille Villar, anak ni Sen. Cynthia Villar at kapatid ni Sen. Mark Villar, pamilya ng mga land grabber; Abby Binay – kapatid ni Sen. Nancy Binay; Pia Cayetano – kapatid ni Sen. Allan Peter Cayetano; Erwin Tulfo – kapatid ni Sen. Raffy Tulfo; Ben Tulfo – kapatid din ni Sen. Raffy Tulfo, mga korap, kriminal, at abusado sa kapangyarihan na alipores ng dalawang nagbabangayang kampo ng political dynasty nina PBBM at Duterte: Sen. Bong Revilla- PDAF scammer, hindi pa nagsasauli ng ninakaw na P124-M, nakaisang termino na, gusto pang bumalik sa senado pero hindi naman gustong ibalik ang ninakaw sa kabang yaman; Sen. Bato Dela Rosa – berdugo ng extrajudicial killings (EJK); Sen. Bong Go – Pharmally scammer; Sen. Lito Lapid – pagiging POGO protector lang ang nagawa sa senado; at Apollo Quiboloy – rapist, child abuser. (Mga larawan mula sa SOCIALISTA)

Boto at balota protektahan
‘NO SHADES’ vs POLITICAL DYNASTIES

022425 Hataw Frontpage

ni TEDDY BRUL

‘NO SHADES’ sa balota ang panawagan ng militanteng organisasyong Socialista o katumbas na huwag iboto sa Senado ang 11 miyembro ng political dynasties na sangkot sa korupsiyon, pandarambong, at extrajudicial killings.

Bitbit ng mga miyembro ng Socialista ang mga tarpaulin na may mukha ng mga senatorial candidate bago nila pininturahan ang mga mukha nito anila’y ekspresyon ng kanilang proteksiyon sa kanilang boto at balota.  

Ginanap ang pagkilos sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.

Tinukoy ng Socialista ang mga miyembro ng political dynasties na sina Imee Marcos, Camille Villar, Abby Binay, Pia Cayetano, magkapatid na Erwin at Ben Tulfo.

Kabilang sa panawagan na itakwil sina senators Bong Revilla, plunderer; Bato Dela Rosa, berdugo ng extrajudicial killings; Bong Go, Pharmally scammer; Lito Lapid, POGO protector; at Apollo Quiboloy, nahaharap sa kasong rape at child abuser.

Ayon kay Eding Villasin, spokesman ng Socialista, sinalaula ng mga political dynasty ang tunay na diwa ng mga nagbalangkas ng Saligang Batas noong 1987 na nagbabawal sa political dynasty.

Ganito rin ang ginawa ng mga political dynasty sa party-list system na ngayon ay kinopo na rin nila at ng iba pang mayayamang angkan imbes para sa marginalized at underrepresented sector.

“Hanggang ngayon wala pa rin malinaw na naipasang Anti-political Dynasty Law dahil sagka ito sa interes ng mga naghaharing angkan at kanilang mga alipores,” saad ni Villasin.

About Teddy Brul

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …