Saturday , April 12 2025
Vilma Santos Ambet Nabus Ernan Paragas Nick Tiongson

Vilma isa sa special guests sa paglulunsad ng Plaridel Journal

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

INI-REPRESENT namin kamakailan ang ating dearest idol friend kumare Star For All Seasons Vilma Santos sa Plaridel Reception sa UP Diliman last February 20.

Inilunsad ang Plaridel Journal na nagsisilbing tulay para sa mga nais maging updated sa mga usaping Communication, Media, at Society.

At dahil Gawad Plaridel awardee na si ate Vi, along with other 15 recipients since ma-establish ang award noong 2004, inimbitahan siya bilang isa sa mga pangunahing bisita sa event.

At dahil kausap din namin the previous day ang award-winning broadcast journalist friend nating si Jessica Soho, pinakisuyuan niya kaming magpa-abot ng kanyang pasasalamat at pagbati sa mga opisyal ng UP College of Media and Communication (dating Masscom) at mga organizer ng event.

Ang ilan pa sa mga nakasama ko sa table na mga awardee na present sa okasyon ay sina National Artist Kidlat Tahimik (2009), Jose “Pete” Lacaba (2013), Cecilia “Cheche” Lazaro (2007), at Boni Ilagan(2019).

Si Vilma ang kauna-unahang taga-film industry na ginawaran nito noong 2005, sumunod sa pinaka-unang recipient nitong si Eugenia Apostol (PDI Publisher) para sa Journalism noong 2004.

Ang ilan pa sa mga nagawaran na ng UP Gawad Plaridel honors ay sina Fidela “Tiya Dely” Magpayo+ (2006-Radio), Pachico Seares (2008-Community Radio), Eloisa Cruz-Canlas+ (2011-Radio, naging program host kami sa naturang pagpaparangal kay Mam Eloi), Rosa Rosal (2012-TV), Nora Aunor (2014- Film, Music and TV), Ricardo “Ricky” Lee (2015-Film), Francisca “Babes” Custodio (2016-Radio), Tina Monzon-Palma (2017-TV), Jessica Soho (2018-Journalism), at Manuel “Mr. Shooli” Urbano (2023- TV-Film).

Ang amin pong pasasalamat kina UPCMC Dean Ernan Paragas, Prof. Nick Tiongson, sa aming mga mahal na prof/friends Gigi Alfonso, Danny Arao at sa lahat ng naging punong abala.

About Ambet Nabus

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …