Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Click Partylist

Click Partylist umaarangkada sa CALABARZON

PINASALAMATAN ng nangungunang technology group na Click Partylist ang mga tagasuporta para sa kanilang patuloy na pagtitiwala dahil nagtagumpay sila at kabilang sa mga nangungunang pagpipilian ng mga botante, partikular sa rehiyon ng CALABARZON.

Ipinahayag ni Click No. 34 first nominee at digital lawyer Atty. Nicasio “Nick” Conti na ang paglago ng kamalayan at suporta, nagmumula sa iisang hangarin ng bawat Filipino, na magkaroon ng mas mabilis at mas magandang koneksiyon para sa pinabuting edukasyon, komunikasyon, at serbisyo publiko.

“Nagpapasalamat kami sa patuloy na lumalaki at mainit na suporta. Lumang plaka man sabihin pero kami ay katotohanan na hindi mapapakong pangako. Ipaglalaban natin sa Kamara ang karapatan ng bawat Filipino sa koneksiyon, teknolohiya, at pagpapaangat ng antas ng buhay ng bawat Filipino,” wika ni Atty. Conti.

“We will work to ensure that there will be better and more jobs that Filipinos can be part of. Puwede online work na malaki suweldo para sa pamilya,” dagdag ni Conti.

Nanawagan ang mga mamamayan at netizens ng mga bagong mukha sa Kongreso, na nagsasabing ang mga bagong personalidad dapat na may kaalaman sa mga legal na paglilitis at hindi lamang isang pangalan o apelyido ng ibang tao.

“Iba naman. ‘Yung marunong at talagang ipinaglalaban ka. Parang kape, paggising mo pa lang, maipaglalaban ka sa buong maghapon minsan hanggang gabi. Kaya suportado namin ang Click. Mag number 34 na tayo sa balota,” post ng netizen sa social media page ng Click Partylist.

Tumatakbo ang Click sa ilalim ng numero 34 sa mga balota.

Nauna nang nanawagan ang Click para sa 20 porsiyentong diskuwento ng mag-aaral para sa mga mag-aaral kapag bumibili ng load.

Nakakuha ito ng malawakang suporta mula sa publiko partikular sa mga estudyanteng gumagamit ng prepaid services ng telco.

“Ang matitipid nila, magagamit sa iba pang pangangailangan sa eskuwelahan. Isa lamang iyan sa marami nating naiisip na gawin sa kongreso para sa ikagagaan ng buhay ng mamamayan,” pahayag ni Conti.

Agad itong pinabulaanan ni Senador Francis Tolentino na naghain ng naturang panukalang batas sa itaas ng kamara.

“Tulungan n’yo kami na makasampa sa Kongreso para matulungan namin kayo na makasama sa susunod at mas magandang estado ng buhay,” wika ni Conti, at pinaalalahanan ang publiko na suportahan ang no. 34 sa partylist votes, I-click.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …