Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Helper na suspek sa panggagahasa timbog sa Muntinlupa

NADAKIP ng mga awtoridad ang 18-anyos lalaking nakatala bilang ikatlong wanted person dahil sa kasong panggagahasa sa lungsod ng Muntinlupa, nitong Biyernes, 7 Pebrero.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Nono, 18 anyos, residente sa Brgy. Putatan, at naaresto sa Brgy. Tunasan, parehong sa nabanggit na lungsod.

Isinagawa ang operasyon laban sa suspek ng 13 tauhan ng Muntinlupa CPS Warrant and Subpoena Unit sa pangunguna ni P/EMS. Renante Jesalva.

Dinakip si alyas Nono sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Wehrly Gutierrez-Mendez ng Muntinlupa RTC Family Court Branch 8 na may petsang 30 Enero 2025 at may inirekomendang piyansang P200,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Muntinlupa CPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …