Thursday , June 4 2026
Daniel Padilla Kathryn Bernardo Kathniel

Kathryn at Daniel matured na, muling nag-uusap

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

WALA naman kaming nakikitang mali sa tsikang muli raw nag-uusap sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hello naman, halos sabay na silang tumanda sa industriyang ito as lovers kaya’t kahit friendship naman marahil ay mayroon sila noh!

If ever man na totoo ang tsismis na ito, well and good dahil it shows na mas matured na sila.

Huwag na nga lang nating pangunahan pa dahil ang alam din naman namin, mas malalim na rin ang friendship ni Kath kay Alden Richards.

And yes, may romantic something iyan dahil inamin naman ni Tisoy na nasa proseso sila ni Kath ng pagbabalanse ng mga emosyon nila, kasama na ang posibilidad na “maging sila.”

Nakabibilib nga ang maturity level ni Kath ngayon dahil kumbaga, mas at ease na siyang makipag-barkada at magkaroon ng hindi lang isang “male” friend o figure sa buhay niya.

Ganoon ang isang empowered woman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …