Thursday , June 4 2026

Sino ang magiging top pick?

BAGO pa man nagsimula ang 38th season ng PBA ay tinitignan na ng Barangay Ginerba San Miguel ang posibilidad na kunin si Gregory Slaughter bilang top pick ng 2013 Draft.

Kaya nga nakipag-trade ang Gin Kings sa Air 21 sa pagbabaka-sakaling makuha nga nila ng top pick.           Kasi nga, nais ng Gin Kings na malakas din ang frontline nila tulad ng ginawa ng Petron Blaze. Hindi nga ba’t kinuha ng Boosters bilang top pick ang 6-9 na si June  Mar Fajardo.

Alam naman nating lahat na sina Slaughter at Fajardo ay magkaribal sa Visayan basketbal scene. Napunta nga lang si Slaughter sa Ateneo matapos na maging miyembro ng Gilas cadet team.

Si Fajardo naman ay naglaro para sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League bago lumahok sa nakaraang Draft.

Well, natupad ang pangarap ng Gin Kings na makamtan ang top pick ng susunod na PBA Rookie Draft na gaganapin sa Robinson’s Manila sa Nobyembre 3.

Ang tanong: Interesado pa ba sila kay Slaughter?

Kasi, sa Finals ng nakaraang PBA D-League tournament ay hindi nakapamayagpag si Slaughter na naglaro para sa NLEX Road Warriors.

Aba’t ang itinapat lang sa kanya ay si Justin Chua na kakampi niya sa Ateneo. Kumbaga’y second stringer ngang itinuring si Chua sa Ateneo, e.

Pero hindi nakaporma si Slaughter!

Hayun at tinalo ng Blackwater Sports ang NLEX upang mapatid ang pamamayagpag ng Road Warriors sa D League. Hindi tuloy nakuha ng NLEX ang ikalimang sunod na titulo nito.

Siyempre, ang pangyayaring iyon ay  natanim sa isipan ng mga PBA scouts.

Pero tapos na iyon, e. Baka naman natuto na si Slaughter sa mapait na karanasang iyon.

Hindi siya puwedeng isnabin ng Gin Kings o ng kahit sinumang  PBA team. Matangkad siya e.

You can’t teach height, hindi ba? saan ka makakakita ng seven footer  dito sa Pilipinas. Araw-araw ba’y may makikita kang higante sa kalye?

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …