I-FLEX
ni Jun Nardo
UMABOT sa P35-M lawsuit ang isinampa ni Vic Sotto laban sa director na si Darryl Yap kaugnay ng kontrobersiyal na trailer tungkol kay Pepi Paloma ayon sa report.
Dagdag pa sa reports, bale 19 counts of cyber libel laban sa director ang isinampa ni Vic na puwede pang tumaas ang halaga ng actual damages na may kinalaman sa endorsements ni Vic.
Sa Muntinlupa City Regional Trial Court nagsampa ng reklamo si Bossing kasama ang asawang si Pauleen Luna Sotto.
Sa pagkakakila ko kay Vic, ngayon lang siya naghain ng reklamo sa korte lalo na laban sa isang director.