Thursday , June 4 2026
Lito Lapid Lorna Tolentino PriManda Mark Lapid Marissa Tadeo

Madir ni Mark apektado sa PriManda loveteam

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY halong kilig ang nahihiyang chika ni Sen. Lito Lapid tungkol sa pinag-uusapang PriManda love team nila ni Lorna Tolentino.

Sa thanksgiving cum Christmas Party na ibinigay nila ng anak na si   sa mga kaibigan sa showbiz, sinagot ng senador na hanggang TV lang ang tandem nila ni LT na first time pala niyang nakatrabaho since sumikat siya noong late 70’s until the 80’s.

Noon kasi, parang may unwritten rule na hindi mo pwedeng kuhaning leading lady ang asawa na ng isang action star. Kilala ko siya siyempre dahil sikat siya pero never talaga kaming nagkatrabaho until dito sa ‘Batang Quiapo,’” paliwanag ni Sen. Lapid.

At dahil lagi nga silang tinutukso at napagkakamalang may something behind the cameras, sinabi ng senador pati ng anak niyang si Mark, “sa tanda ko ba namang ito? Kami na nga yata ang pinaka-matanda na may active love team sa TV. Nakahihiya pero sa ganoon nga napunta ang mga eksena kaya’t ‘yung asawa ko, na lagi rin namang nanonood ng series, minsan talaga nagdududa na rin,” kuwento pa ni Sen Lito.

Actually kapag umuuwi kami sa bahay at nagkikita-kita, talagang ‘yung nanay ko apektado hahaha. Para namang mga teenager pa ‘yung pinag-uusapan,” hirit pa ni Mark.

Muling tatakbo sa ikaapat na pagkakataon bilang Senador si Lito Lapid na pasok nga lagi sa top ten ng surveys.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …