RATED R
ni Rommel Gonzales
PINAGHANDAAN ni Angelica Hart ang pagpasok sa VMX.
Aniya, “Actually, bago po ako pumasok ng Vivamax (VMX), mayroon na akong plano eh, gusto ko talagang…kumbaga gusto ko talagang mag-breakthrough.
“So kumbaga ang sa akin, stepping stone ko ‘yung Vivamax.
“Kumbaga sa mga napagdaanan ko, sa experiences ko, alam ko na marami pa akong maipakikita at marami pa akong mailalabas.
“So ayun, hangga’t ngayon na hindi pa, wala pa, ginagamit ko muna ‘yung opportunity like Vivamax.
“Kaya sobrang thankful ako na may Vivamax, at kung magkakaroon ng pangalawang buhay or sa susunod or mare-reincarnate ako, magkakaroon ng Vivamax, papasok at papasok ako.”
Nais din ni Angelica na dumating ang araw na makagawa ng straight drama na pelikula na hahamunin ang kakayahan niya sa pag-arte, pero sa ngayon, happy siya bilang isa sa mga importanteng sexy actress ng VMX.
Kasalukuyang available for streaming ang Pin/Ya na bida sila ni Candy Veloso.
Sa direksiyon ni Omar Deroca, nasa Pin/Ya rin sina Julianne Richard at Gboy Pablo.