Thursday , June 4 2026
Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED R
ni Rommel Gonzales

BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang sikat na Korean actor/model/basketball player na si Moon Su-in.

Ang naging susi sa pagdadala rito sa Pilipinas kay Moon Su-in ay si Rams David ng Artist Circle Talent Management na siya ring humahawak ngayon ng career ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.

Unang endorsement niya ay ang ER Guard ng Medicare Plus Inc. na isa rin sa may hawak ay ang aktres na si Shyr Valdez.

At dahil malapit na magkakaibigan at magkakatrabaho sina Noreen, Rams, at Shyr, napili na ring endorser ang Korean celebrity ng skin, beauty and wellness clinic na Skinlandia ni Noreen na matatagpuan ang unang branch sa SM Fairview.

Impressive ang achievements ni Moon Su-in. Noong  2011 ay napili siya ng yumaong si Kobe Bryantbilang MVP para sa inter-university basketball tournament sa Kobe Bryant in Seoul Tour.

Taong 2014, sumali si Moon bilang modelo at ace player ng Korean celebrity and model team na Code One na sinundan pa ng maraming proyekto sa South Korea.

Ngayon ay susubok si Moon ng kanyang kapalaran  sa Pilipinas at malamang ay magaya sa isa pang sikat na Korean celebrity na si Kim Ji Su na sunod-sunod ang naging proyekto sa bansa tulad ng Black Rider, Abot Kamay Na Pangarap, at Mujigae movie.

Well, sa tulong nina Rams, Shyr, at Noreen, tiyak na aarangkada ang showbiz career ni Moon dito sa Pilipinas.

Bukod kay Moon, endorser din ng Skinlandia si Jess Martinez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …