Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez JK Labajo

Sylvia dadalhin juan karlos Live sa ibang bansa

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios, producer ng matagumpay na juan karlos Live concert ni JK Labajo sa SM MOA Arena noong Nobyembre 29 dahil sa dami ng taong nanood na karamihan ay Gen Z.

Kitang-kita namin kung gaano nag-enjoy sa husay mag-perform ni juan karlos at sa napakagaling na pagkakadirehe ni Paolo Valenciano.

Halos lahat nga ng kantang inawit ni JK ay sinasabayan lalo na ang awiting  Buwan at Ere.


Bentang-benta rin ang duet nito with Gloc 9 na umani ng malakas na hiyawan, pati rin ang kina Moira Dela Torre, Paolo ng Ben and BenJanine Berdin, at Zild Benitez.

At dahil sa success ng juan karlos Live magkakaroon ito ng repeat sa November 2025 sa same venue. Pero uunahin muna ang juan karlos Live World Tour na magsisimula sa Australia, Canada, at Amerika na mangyayari sa May, June, at July. At siyempre ang Nathan Studios pa rin ni Ms Sylvia ang producer.

Tsika nga ni Ms Sylvia, “Sa akin na ipinagkatiwala ng UMG si JK, akin ang rights ng lahat ng ‘jk live concerts’ niya.”

Pagkatapos ng concert ni JK ay di pa rin lubusang makakapag-pahinga si Ms Sylvia dahil ang pelikulang ipinrodyus ng Nathan Studios, ang Topakk ang pagkakaabalahan.

Ang Topakk ay entry ng Nathan Studios sa 2025 Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan ng International Award winning actor na si Cong. Arjo Atayde kasama sina Sid Lucero, Julia Montesatbp..

Trailer pa lang ng Topakk ay marami na ang namangha sa ganda nito at nagsasabing malaki ang tsansa nitong masungkit ang  Best Actor award  for Arjo at Best Picture sa darating na MMFF Gabi ng Parangal sa December 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Geleen Eugenio Dance Forever D4E Concert

Geleen Eugenio excited sa Dance Forever D4E! Concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED si Ms. Geleen Eugenio sa muling pagsasama-sama ng mga OG dancer noong dekada …