PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BALITANG malamang na ma-shelve na nang tuluyan ang supposedly Aga Muhlach starrer na karugtong ng “Malacañang movie series” na co-produce ni Imee Marcos.
Bigla ring nawala sa sirkulasyon ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap na tila naging co-terminus ang directorial career sa lagay ng mga Marcos, lalo na ni Imee.
At sa tila lumalalang sitwasyon ngayon sa dalawang pinaka-mataas na lider ng bansa, dapat nga sigurong mag-lay low o dumistansya si Aga kahit sabihin pang ‘artista’ siya na magtatrabaho lang.
Actually na-excite kami noong unang ipakita sa teaser na siya ang gaganap na Bongbong Marcos lalo’t napakabango pa noon ni PBBM.
At dahil mukhang hindi hamak na mas makabuluhan at malaman ang role niya sa Uninvited movie kasama sina Vilma Santos, Nadine Lustre at iba pang award-winning actors, perfect timing kumbaga na muling ma-associate si Aga sa mga premyadong proyekto.
Inaasahan nga nating makita ang muling pagiging active ni Aga sa mga promo ng MMFF entry nila na hinuhulaang magtatala ng bonggang record sa box-office come Dec. 25 showing at sa kokopo ng awards come the awards night of the festival.