Sunday , December 22 2024
Amy Perez Winnie Cordero

Mga madamdaming kuwento hatid nina Tyang Amy at Mareng Winnie sa Radyo 630

TIYAK na maaantig sa mga samo’tsaring kwento ng totoong buhay kasama ang Titas ng radio na sina Tyang Amy Perez at Tita Winnie Cordero sa kanilang mga public service show sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo.

Samahan si Tyang Amy na pakinggan ang iba’t ibang karanasan sa buhay pag-ibig, pamilya, kaibigan, karera, at iba pa sa kanyang radio wellness/drama show na Ako ‘To si Tyang Amy, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:00 p.m..

Bukod sa mga madadamdaming kuwento ng buhay, maghahatid din ito ng mga makabuluhang payo mula sa mga eksperto bilang layunin nitong bigyang halaga ang importansya ng mental health sa kasalukuyang panahon.

Ang aming public service ay may kinalaman lahat sa mental health o tamang pangangalaga sa ating isip, puso, at emosyon. ‘Yung mga pinagdaraanan nating struggles sa araw-araw, tatalakayin natin ‘yan,” wika ni Amy.

Mga nakaaantig na karanasan mula sa mga nangangailangan ang tutugunan ni Tita Winnie sa kanyang programang Tatak: Serbisyo na umeere rin weekdays, 10:30 ng umaga.

Bukod sa pagkalap ng donasyon para sa mga nangangailangan, layunin ng kanyang programa na magsilbing tulay sa pagsasaayos ng sistema sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Ang gusto kong maging adbokasiya ay ‘yung mapaayos ang sistema sa pagtulong sa ating kapwa. Isa-isa kong nadidiskubre ang mga hinaing ng ating kababayan at ang daming nangangailangan ng tulong mula sa pagpapagamot, financial, at iba pa,” saad ni Winnie.

May hatid ding winning diskarte si Tita Winnie, mula sa budget-friendly recipes, DIY activities at kumikitang kabuhayan sa kanyang programang Win Today tuwing Sabado, 10:00 a.m…

Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official  Facebook at YouTube pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.

Tuloy-tuloy din ang pagbabalita at serbisyo publiko sa mga progama nitong Radyo 630 Balita ni Robert ManoGising Pilipinas  at Teleradyo Serbisyo Balita nina Alvin Elchico at Doris BigorniaKabayan ni Noli de CastroBalitapatan kasama sina Peter Musngi at Rica LazoHeadline Ngayon ni Jonathan Magistrado, at iba pa.

Samantala, mas pinalakas ng Radyo 630/Teleradyo Serbisyo ang mandato nitong paghahatid ng serbisyo publiko sa mamamayan matapos makipag-ugnayan sa Ayala Foundation para sa ilang inisyatibo sa ginanap na contract signing noong Nobyembre 10.

Pinasinayaan nina Marah Capuyan, President ng Media Serbisyo Production Corporation, at Ayala Foundation’s Senior Director of Marketing and Donor Relations, Paul Vincent Mercado ang pirmahan. Ilan sa mga dapat asahan sa partnership nito sa darating na 2025 ay ang pamamahagi ng scholarship program sa mga kababaihan, paigtingin ang disaster response efforts sa oras ng kalamidad at iba pa.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …