Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Nadine Lustre Aga Muhlach Uninvited

Nadine hinangaan ‘di nagpakabog kay Aga sa Uninvited

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens ang  humanga sa husay na ipinakita ni Nadine Lustre sa latest teaser ng pelikulang Uninvited na entry ng Mentorque Productions at Project 8 sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Ipinakia sa teaser kung paanong hindi nagpakabog si Nadine sa eksena nila ni Aga Muhlach.

Mukhang hindi nga nagkamali ang Mentorque at Project 8 Projects na isama si Nadine sa hanay nina Aga at Ms Vilma Santos sa Uninvited dahil isa ito sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Ilang beses na itong itinanghal na Best Actress tulad ng Asian Academy Creative Awards, FAMAS (tatlong beses), Gawad Urian, Metro Manila Film Festival, Young Critics Circle, Gawad Bedista awards, Platinum Stallion Media awards, at marami pang iba. At ngayon ay nominado naman ito sa 39th Star Awards for Movies for Best Actres para sa mahusay na pagganap sa Deleter.

Ilan sa komento ng mga netizen na nakapanood ng latest teaser ng Uninvited ang mga sumusunod.

“The latest Uninvited teaser featuring Nadine Lustre is here, and she truly impresses with her powerful performance! Nadine’s skill and screen presence are undeniable, adding intense emotion and depth. Yet, even in glimpses, Ate Vi’s unmatched charisma radiates through, reminding us of the strength she brings to every role. While this teaser focuses on Nadine, Ate Vi’s subtle yet magnetic presence hints at the impact she’ll have, setting the stage for a truly captivating film. Uninvited is looking like a must-watch with these two incredible stars!”

“Grabe Diko Kinaya Yung Mur*han Scene Galing Galing ng Teaser Goodluck Po #Uninvited Family.”

“Very Hollywood ang style ng directing ni Dan Villegas. Very intense ang bawat eksena. Kapanapanabik! Ano ang nababalot na lihim sa katauhan ni Nicole?Ang husay ng pagganap ni Nadine Lustre. She deserves an acting nomination for her role, si Ate Vi simple lang ang ipinakitang akting pero tumatagos. Si Aga Muhlach ay mahusay din. Kaabang-abang.Am I invited? Of course,I’m Invited to watch it.”

” Aga brings a powerful presence and depth to his role, perfectly complementing Nadine’s intensity. Together, they create an engaging dynamic that heightens the excitement for this film. With these two talents sharing the screen, Uninvited promises to be a cinematic experience filled with powerful performances and emotional impact.”

Mapapanood ang Uninvited simula December 25 na idinirehe ni Dan Villegas.

Kasama rin sa pelikula sina Mylene Dizon, Ron Angeles, Gabby Padilla, Cholo Barretto, Elijah Canlas, Gio Alvarez, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Mr. Tirso Cruz lll atpb..

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …