QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23 sa Victoria Sports (VS) Tower 2, 799 EDSA South Triangle, Quezon City malapit sa MRT GMA–Kamuning station.
Ang magkakampeon ay kikita ng P10,000 plus trophy, accommodation sa VS hotel at one month premiere membership.
Ang second placer ay makakakuha ng P3,000 plus trophy, accommodation sa VS hotel at one month premiere membership, ang third placer ay makakatanggap ng P2,500 plus trophy, accommodation sa VS hotel at one month premiere membership, fourth placer ay mag-uuwi ng P2,000 plus trophy habang ang fifth placer ay magbubulsa ng P1,500 plus trophy.
Ang pang-anim hanggang ika-10 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P1,000 kasama ang mga tropeo.
Ang mga espesyal na parangal ay makakatanggap ng tig-P500 plus trophies para sa top junior (13-18 years old), top kiddie (12 below), top senior (55 years old above), top victoria sports member, top victoria employee, top victoria sports affiliates, top PWD, top non-master at top lady.
Ang lahat ng mga nanalo mula ika-4 hanggang ika-10 na lugar pati na rin ang mga espesyal na parangal ay makakatanggap ng isang buwang libreng premiere membership.
Registration fee sa P500, lahat ng kalahok ay makakatanggap ng water spa gift certificate.
“Victoria Sports Club is extending the registration period for our Rapid Chess Tournament. The tournament will be moved to November 23, 2024, to accommodate more players to join this competition. Seize this opportunity to compete, sharpen your strategy, and demonstrate your skills.Sign up today and secure your spot in this exciting competition. We can’t wait to see you there,” sabi ni Chief Arbiter Ranier Pascual.
Kabilang sa maagang nagpatala ay sina GM Darwin Laylo, IM Jan Emmanuel Garcia, IM Ronald Dableo at IM Barlo Nadera.
Mag call o sa text mobile numbers: +639670965909 at +639209744935. (MARLON BERNARDINO)