MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, businessman and politician na si Roselio “Troy” Balbacal.
Umpisa pa lang ay nasa puso na ni Troy ang pagtulong kaya naman sa pagkakataong ito ay sa mas mataas namang posisyon ang kanyang susungkitin para mas marami pa siyang taong matulungan.
Katulad na lamang ng kasagsagan ng kalakasan ng bagyong Kristine ay lumabas ito at inihatid sa kani-kanilang lugar sa TUY ang mga taong na-stranded at walang masakyan pauwi.
Siya rin ang bumuo ng samahang TUY Vegestable Growers Association o TVGA kasama si Ms. Maria Magtibay na may 550 members na.
Ayon kay kagawad Troy, “Wala man kaming maraming pera pero tutulong kami sa paraang abot ng aming makakaya.”
Dagdag pa nito, “At kung para sa atin, pero kung hindi walang magbabago tutulong pa rin tayo.
“Dahil lumaban naman tayo hindi para sa sarili, kundi para sa nakararami. Kung may nagawa man tayo noon itu-TuROY – TuROY lang natin ngayon.”
Ka- partido ni kagawad Troy sa Team 22 sina Mayor Jey Cerrado at Vice Mayor Randy Perez Afable.