MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi.
May sakit na Type 1 diabetes si Mona na nagiging pulutan ng mga taong walang magawa kung hindi manlait at mang bash.
Sa YouTube vlog nga ni Ivana ay ibinahagi nito ang rason kung bakit siya naospital, at dito na sumabog ang aktres at ipinagtanggol ang bunsong kapatid.
“Sa mga namba-bash kay Mona, mga put***ina nyo! Imagine nyo, sa ganoong pain sumusuko na ako sa life, e mas matindi naman ‘yung pain niya, tapos ba-bash-bash n’yo ‘yung bata.”
“Tang*** may sakit na nga ‘yung tao tapos gaganunin-ganunin n’yo? Get a life!
“Napakapangit n’yo kasi kaya kayo namba-bash. Bakit? Nanggigil eh,” dire-diretsong sabi ni Ivana.
Dagdag pa nito, “Sige i-repost n’yo ‘to sa TikTok para makita ng mga ha*op na bashers!”
“Kung gusto n’yo mam-bash, sa akin na lang kayo mam-bash wala naman kasi kayong…Ampangit n’yo kasi.
“Alam n’yo, siguro malungkot lang kayo sa buhay n’yo.
“Ang lala ng mga bashers, napaka-bitter n’yo sa buhay. Napakapangit siguro ng buhay n’yo para mansaktan ng ibang tao na wala namang ginagawa sa inyo. I hope karma gets you.”
Hindi na nga napigilan pa ni Ivana na sumabog sa galit. Okey lang daw na siya na lang ang tirahin ng mga basher ‘wag lang ang pamilya niya.