Thursday , June 4 2026
Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations hanggang nitong Linggo ng umaga, 10 Nobyembre, sa iba’t ibang lugar, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng tracker team ng San Jose Del Monte CPS ang Provincial Top 3 Most Wanted Persons na kinilalang si alyas Tatay Pong, 52 anyos, taxi driver, residente sa Brgy. San Pedro, lungsod ng San Jose del Monte.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Ma. Cristina Juanson, ng San Jose del Monte RTC Branch 5-FC para sa dalawang bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor, dalawang bilang ng kasong Qualified Rape by Sexual Assault, at dalawang bilang ng kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa Section 5(b) ng RA. 7610 na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, nasakote ang apat pang indibiduwal na pinaghahanap ng batas sa bisa ng warrant of arrest sa ikinasang mga manhunt operations ng tracker teams mula sa San Jose Del Monte CPS, Malolos CPS, Sta. Maria MPS, at Calumpit MPS.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting police station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …