Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
bagyo

TS Nika bumagal sa West Philippine Sea Signal No. 3 nakataas sa 2 lugar sa Luzon

NAKATAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga bahagi ng mga lalawigan ng Isabela at Aurora habang bumabagal ang Tropical Storm Nika (international name: Toraji) sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa ulat ng PAGASA nitong Linggo ng gabi, 10 Nobyembre.

Batay sa 8:00 pm bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Nika 335 kilometro (km) silangan hilagang-silangan ng Infanta, Quezon o 330 km silangan ng Baler, Aurora.

Nagtataglay ito ng maximum sustained winds na 110 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong aabot ng 135 kph, sa paggalaw nito sa direksiyon ng kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 3 sa timog-silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, Palanan) at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).

Makararanas ang mga nasabing lugar ng hanging mas mabilis sa 89 kph hanggang 117 kph sa susunod na 18 oras.

Samantala, inilagay ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng Signal No. 2 na nagtataglay ng malakas na hanging mula 62 hanggang 88 kph na maaring maranasan sa loob ng 24 oras:

  • Bahaging Timog ng Ilocos Norte (Nueva Era, Solsona, Dingras, Marcos, Banna, City of Batac, Pinili, Paoay, Currimao, Badoc, Carasi, Piddig, Sarrat, San Nicolas, Laoag City)
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
  • Gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
  • Timog ng mainland Cagayan (Solana, Iguig, Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Tuao, Gattaran, Lasam)
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Bahaging Timog ng Apayao (Kabugao, Conner, Flora, Pudtol, Calanasan), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet
  • Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)

Itinaas din ng PAGASA ang Signal No. 1 sa 17 lugar na inaasahang makararanas ng walang tigil na pag-ulan at hangin:

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Apayao
  • Ilocos Norte
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Tarlac
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Sta. Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
  •  Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Silangang bahagi ng Laguna (Sta. Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)
  • Silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar, Lucban, Tayabas, Lucena) kabilang ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Hilagang-silangang bahagi ng Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu)

Inaasahang magla-landfall ang TS Nika sa Isabela o hilagang Aurora ngayong Lunes, 11 Nobyembre, mula umaga hanggang hapon. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Negosyanteng babae, kaibigang lalaki natagpuang may tama ng bala ng baril sa ulo, kotse, bangkay sinunog

SUNOG NA BANGKAY na may mga tama ng bala sa leeg at batok ang isang …

LTO Land Transportation Office

Suspensiyon ipinataw ng LTO vs 12 driving school, instructors, dahil sa certificate irregularities

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang akreditasyon ng 12 driving schools at …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …