MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo.
Bukod sa mababait ang mga staff and co-artist niya, especially ang lead actor at director nitong si Coco Martin ay pamilya ang turingan ng bawat isa.
Tsika nga ni Kim na sobrang bait ni Coco at napaka-gentleman at laging may nakahandang ngiti sa bawat isa. Kaya naman napakagaan ng trabaho.
At kahit wala na siya sa Batang Quiapo ay happy siya na naging part siya ng pamilya nito.
Sa ngayon ay busy si Kim sa TV guesting, provincial show and may isang malaking pelikula siyang gagawin na makakasama ang isa sa mahusay na aktor sa bansa.