PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw ngayon ng GMA 7 artists sanhi ng halos magkakasunod na eskandalo ng ilang mga alaga nila.
Dati-rati raw kasi ay laging ang ABS-CBN ang nangunguna sa mga kagayang eskandalo pero simula nga raw nang mawalan ito ng franchise ay tila nag-iba na ang pormahan ng mga showbiz news sa industriya.
Sa latest demanda kasing isinampa ni Rita Daniela kontra Archie Alemania sa isyu ng sexual abuse, tila lumalabas ayon sa mga netizen na existing at rampant talaga ito.
Lalo pa’t sinampahan na rin ng kaso ang dalawang contractors ng GMA 7 na inakusahan ni Sandro Muhlach ng kasong sexual abuse rin.
Nakaloloka ngang kahit ‘yung kay Ken Chan na idinemanda dahil umano sa mga nagtalbugang tseke o kabayarang hindi natupad sa negosyo ay iniuugnay na may sexual favors din umano?
Nakakaloka…ganyan na ba ang pagiging relevant ngayon sa TV industry?