Sunday , November 24 2024
posas handcuff escape

Koreano nailigtas sa 3 kidnapper na naaresto sa rescue operation 

LIGTAS na nabawi ang isang Korean national habang nadakip ang tatlo sa anim na kidnapper sa  isinagawang rescue operation ng Mabalacat City (Pampanga) Police Station, Pampanga Provincial Police Office  sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan mula kay Pampanga PPO Director, PCol. Jay Dimaandal, ang mga nadakip ay kinilalang sina Paula Bianca Julian, Renan Coronel, kapwa residente sa Mabalacat City, Pampanga; at John Jacob Simbulan, residente sa Capas, Tarlac.

Samantala, patuloy na tinutugis ang mga kasabwat na sina Tweenie Salas, itinurong mastermind, residente sa Angeles City, Pampanga; John Lex Ubane, at Herson Barroga, kapwa residente sa Mabalacat City.

Ayon kay Mabalacat Police Station Chief, P/Lt. Efren David, nitong 24 Oktubre 2024, dinukot ng mga suspek ang biktimang si Mr. Park, 57-anyos, residente sa Timog Park, Angeles City, sa Barangay Mabiga, Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa kapatid ng biktima, nakipagkita silang magkapatid sa grupo ng mga suspek sa Camachile Street, Mabalacat City, dakong 10:00 PM, nitong 24  Oktubre 2024 para sa bentahan ng isang sasakyan.

Ngunit, pagdating ng magkapatid sa lugar, kinompronta sila ng tatlong armadong lalaki at saka dinukot at isinakay si Mr. Park sa isang kulay itim na Kia Carnival (conduction number AP 338A).

Makalipas ang ilang oras, nagpadala (via telegram) ang mga suspek ng retrato sa kapatid ni Mr. Park na nakatali at nakapiring ang mga mata ng biktima at humihingi sila ng ransom.

Kinabukasan, 25 Oktubre, agad inatasan ni David ang kanyang Intelligence Unit, kasama ang ilang tauhan ng Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU) ng rescue operation makarang makakuha ng impormasyon kung saan nagtatago ang mga suspek sa bisinildad ng Mabalacat City.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaligtas kay Mr. Park at pagkakaaresto sa tatlong suspek habang tinutugis ang tatlo pang suspek kabilang ang utak ng pagdukot. Nakilala ang nalalabing suspek nang ikanta sila ng mga kasamahan nilang nadakip.

Sa masusing imbestigasyon, ang grupo ang responsable sa ilang krimen sa lungsod partikular ang kinasasangkutan nilang robbery, carnapping, at pagdukot sa dalawang Korean national na kinilalang sina Mr. Nam at Ms. Moon.

Nagawang nakakuha ng P800,000 ransom money ng mga suspek sa pamilya ng dalawang biktima bago sila iniwan sa isang hotel sa Capas, Tarlac.

Pinuri ni Maranan ang kanyang mga opisyal at tauhan sa matagumpay na operasyon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …