Tuesday , April 15 2025
Bianca Tan Believe It Or Not 2

New teen actress nahirapan sa pagbibidahang pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY promising ang new teen actress na si Bianca Tan na bida /kontrabida sa advocacy film na Believe It Or Not? na mula sa direksiyon ni Errol Ropero hatid ng A&Q Productions ni at AFA Entertainment.

At kahit first movie lang ni Bianca ay napakahusay at magaling itong umarte at nabigyan nang hustisya ang role bilang si Brenda na isang bully sa kanilang paaralan.

Tsika ni Bianca, “Ako po ‘yung main bully sa school, bale binu-bully ko ‘yung mga lower grades kong school mate.”

Bilang baguhan ay medyo nahirapan si Bianca sa kanyang role. “Medyo mahirap po, kasi first shooting ko kailangan ko umiyak, mamaya kailangan ko magtaray, medyo challenging lang po talaga.”

Bilang baguhan ay iniidolo nito sina Heart Evangelista, Dingdong Dantes, at Alden Richards na pare-pareho nitong gusto makatrabaho at makasama sa isang proyekto.

Habang si Paulo Avelino naman ang showbiz crush niya, “Isa lang po kasi ang crush ko sa showbiz, si Paulo Avelino, kasi guwapo siya, maamo ang mukha at magaling umarte.”

Makakasama rin sa pelikula sina Potchi Angeles, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel,Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Jhassy Busran, Artan Akthar atbp..

About John Fontanilla

Check Also

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

Kathryn Bernardo Kenneth Hizon

Ken nagpahayag din ng paghanga kay Kathryn

I-FLEXni Jun Nardo HINALUKAY talaga ng ABS CBN ang childhood crush ni Kathryn Berrnardo na si Dr. Ken …

PBB Collab

Michael at iba pang boys sa PBB iniligtas ng mga accla 

I-FLEXni Jun Nardo DALAWANG babae ang pinalayas sa Bahay ni Kuya- Kira Balinger at Charlie Fleming – sa second …

Zsa Zsa Padilla Pilita Corrales

Zsa Zsa durog sa pagkawala ni Pilita — I will forever treasure the advice you’ve shared

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa nagluluksa …

Sharmaine Arnaiz Kitkat

Mahal na araw kina Sharmaine at Kitkat paano ginugunita?

MA at PAni Rommel Placente TUWING sumasapit ang Mahal Na Araw, ang bawat isa sa …