MATABIL
ni John Fontanilla
ILANG araw matapos makalabas ng ospital si Ivana Alawi ay muli itong dinala sa pagamutan.
Noong Martes ay inanunsiyo ni Ivana na nakalabas na siya ng ospital makaraang ma-confine ng ilang araw.
“Finally! Done with the hospital. Can’t wait to go back to work!”
Pero sumama raw ulit ang pakiramdam nito pagkalipas ng ilang araw nang lumabas ito ng ospital, kaya naman nagpadala uli siya sa pagamutan.
Post nga nito sa larawan sa kanyang Instagram, “Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well.”
Umaasa nga at nananalangin ang mga supporter at mga tagahanga ni Ivana ang agarang paggaling nito.