Wednesday , October 23 2024
Denise Esteban

Denise Esteban, sanay na sa mga indecent proposal

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Denise Esteban sa pambatong sexy actress sa mga pelikula ng VMX (dating Vivamax).

Pero hindi lang sa pagpapa-sexy may talent si Denise, may ibubuga rin siya sa kantahan at sayawan. In fact, nagsimula talaga siya sa showbiz bilang member ng girl group na PPop Generation.

Sa ngayon, ang inaabangang pelikula ng aktres ay ang Hiram Na Sandali sa VMX.

Pahayag ng aktres/singer, “Abangan po ninyo ako sa Hiram na Sandali, directed by GB Sampedro po iyan. Kasama ko po sa movie sina Dyessa Garcia, Vince Rillon at Aerol Carmelo.

“Bale ang role ko po sa movie, ako po rito ‘yung asawa ni Vince.”

Etong Hiram…, ano ang kaibahan sa past movies niya sa Vivamax?

Tugon ni Denise, “Siguro po ‘yung ipinagkaiba sa mga past roles ko rito po sa Hiram na Sandali, ako po ‘yung pinagtaksilan, hahaha!”

Dahil nagpapa-sexy siya, aminado ang dalaga na normal lang na may mag-alok sa kanya ng mga indecent proposal. Paano niya hina-handle ang mga ganitong sitwasyon?

“Sa akin po, normal na ‘yung mga ganoong message po na indecent proposals. Pagdating sa pag-handle naman po, hindi ko na lang pinapansin or minsan, kapag sumosobra na po sa mga message na ganito, bina-block ko na po sila,” sambit pa ni Denise.

Anyway, ngayon ay may bagong girl group si Denise, ang SNTA. Kasama niya sa grupo sina Sara Joe, Ataska, Angela Muji, at Christy Imperial.

Nabanggit sa amin ni Denise kung paano siya napasali sa grupong ito.

Aniya, “Bale, bumisita po kasi ako sa Viva office, tapos bigla pong nasabi ni Boss Vic (Del Rosario) na mayroon daw ginagawang grupo at kasama raw po ako. Tapos after po niyon, nagpatawag na po ng meeting sa lahat ng ka-group.”

Paano niya ide-describe ang kanilang grupo?

“Iyong grupo po namin, siguro kaunting pa-sexy, pero classy po,” nakangiting wika ni Denise.

Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga ka-group niya rito?

“Okay naman po ‘yung mga ka-group ko, sina Angela and Christy mga rati ko na po silang ka-member sa Ppop Generation. Sina Sara and Ataska naman po ‘yung bagong nakasama ko po. Pero sobrang babait po nila and nagkasundo-sundo po agad kaming lahat.”

Dahil humahataw siya sa acting at singing and dancing, inusisa namin kung ano ang mas priority niya talaga?

“As for now priority ko po ngayon ‘yung singing and dancing, kasi naka-focus po talaga kami ngayon sa group namin.

“Pero hindi po talaga mawawala sa akin ‘yung acting, kasi eto po talaga ‘yung pangarap ko since noong bata pa lang po ako, gustong-gusto ko po talagang umarte,” sambit pa ni Denise.

About Nonie Nicasio

Check Also

TV Patrol

3 TV Patrol reporters biktima ng pagtitipid, tsugi 

I-FLEXni Jun Nardo TATLONG  reporters ng TV Patrol ang nasibak kaugnay ng pagtitipid ng ABS-CBN, huh! Ibinigay …

Showtime Eat Bulaga

It’s Showtime butata, ‘di nakaporma sa Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo NATAMEME sa Eat Bulaga ang It’s Showtime sa episode last Saturday, huh! Remote ang Bulaga sa isang barangay …

Vivamax VMX 12M Subs

12 million subscribers, mega milestone ng VMX 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HATAW to the max ang VMX, na sa ngayon ay …

Lovi Poe Marian Rivera Balota Guilty Pleasure

Lovi, Marian bakbakan sa takilya, sino kaya ang wagi?

I-FLEXni Jun Nardo KANINONG pelikula kaya ang panalo sa takilya, kay Marian Rivera o kay Lovi Poe? Sabay …

GMA7 TV5 TikToclock Quizmosa

Show ng TV5 at GMA pareho ng mga pakulo 

I-FLEXni Jun Nardo PAREHO ang title ng bagong pakulo ng TikToclock show at talk show ni Ogie Diaz sa TV5, …