Showtime Eat Bulaga

It’s Showtime butata, ‘di nakaporma sa Eat Bulaga!

I-FLEX
ni Jun Nardo

NATAMEME sa Eat Bulaga ang It’s Showtime sa episode last Saturday, huh!

Remote ang Bulaga sa isang barangay sa San Fernando, Pampanga at dumayo roon ang lahat ng hosts. At sina Tito, Vic and Joey ang sumama sa nanalo sa Sugod Bahay.

Take note na mahigit 3,000 katao ang pumila para sa 5k na numero na mapipili. At kapag may kasamang bata ang nabunot, dagdag na 5K ang mapapanalunan niya.

Samantala, sa studio ng ABS-CBN nag-live ang It’s Showtime sa usual nilang segments.

Pagdating talaga sa paggawa ng malakihang palabas na ginagawa sa labas ng studio, walang makakatalo sa Eat Bulaga!