Wednesday , November 27 2024
Ombudsman PCG Coast Guard

50+% tongpats sa presyo ng armas  
PCG OFFICIAL SINAMPAHAN NG KASO SA OMBUDSMAN

SABIT sa reklamong nag-uugnay sa halos P1 bilyong iregularidad sa proseso ng bidding ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Bids and Awards Committee (PCG BAC) sa pamumuno nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

Base sa isinampang kaso sa Ombudsman kamakailan, ang iregular na bidding process ng proyektong pagbili ng mga pistola na nagkakahalaga ng  P971,536,500 para sa pagbili ng 19,627 units ng caliber 9mm pistol na overpriced o may tongpats na halos P421,000,000.

Bukod kay Gavan, sinampahan din ng South Korean company Dasan Machineries Co. Ltd. ng kasong criminal at administratibo sina Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio, Commodore Algier Ricafrente, Commander Benedicto Bartolome, at iba pang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) at Technical Working Group (TWG) ng Philippine Coast Guard sa maanomalyang bidding process.

Sinabing hindi patas na pinaboran ng Coast Guard ang Armscor Global Defense Inc. sa kabila ng lampas pa sa dobleng presyo ng mga pistola kompara sa presyo sa merkado o dealer’s price ng parehong brand at model na pistol.

Sa mga isinampang reklamo, inihayag ng mga opisyal ng Dasan na ang presyo sa merkado o dealer’s price ng mga nasabing baril ay nagkakahalaga lamang ng P20,500 sa dealer’s price samantala sa bid price na idineklara ng Armscor at pinalusot ng PCG-BAC na lampas pa sa doble sa halagang P49,500.

Sa nasabing reklamo, inaakusahan ng grave misconduct at gross neglect of duty at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang PCG BAC dahil sa pagpapalusot sa nasabing bidding.

Ang mga nasabing transaksiyon ay tinawag na “grossly disadvantageous to the government” lalo ngayong ang PCG ay nararapat na nakatuon sa West Philippine Sea na dapat paghandaan at hindi ang pagbili ng pistola dahil hindi naman maaaring gamitin sa posibleng komprontasyon sa dagat.

Sa kasalukuyan ay hinihintay ang pasya ng Ombudsman kung ang kaso ay isasampa sa Sandiganbayan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

BingoPlus FEAT

BingoPlus awards historic ₱154M jackpot prize 

BingoPlus, the country’s premiere digital entertainment platform in the country, marked a historic milestone by …

Farmer bukid Agri

Pagpapataas sa antas ng sektor ng agrikultura muling iginiit ni Escudero

MULING nanawagan sa pamahalaan si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na itaas ang antas …

Win Gatchalian relief operations

Gatchalian tulong pinaigting
AYUDA SA NASALANTA IPINAMAHAGI PARA SA BICOL AT NORTHERN LUZON

PINAIGTING ni Senador Win Gatchalian ang kanyang relief operations sa ilang munisipalidad sa Catanduanes, Albay, …

Makati Taguig

Residente ng EMBOs  desmayado kay Abby

“MASAMA po ang loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang …

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …