Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian namahagi ng livelihood carts sa mga single mom

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAMIGAY si Rhian Ramos ng livelihood carts sa ilang mga single mom na napili nila sa isang distrito sa Manila.

Last October 3, sa mismong birthday niya ay nagkaroon ng sorpresa ang kanyang mga kaibigan at boyfriend na si Cong. Sam Verzosa sa pamamagitan ng isang event sa MLQ University.

Ang proyekto nilang SioMAYNILA ay kinapapalooban ng full-packed na bike, cart, gasul, steamers at iba pang mga kagamitan sa negosyo. bukod sa siomai ay may kasama rin itong samalamig. 

Gusto lang namin iparamdam sa mga tao na may kakampi sila at naririto ang gaya namin to listen and help din sa abot ng aming makakaya,” sey ni Rhian.

Maliit man ito sa iba pero ‘yung chance na mapalaki at maging source ng income ng isang tao ay hindi mapasusubalian.

Kaya nga nakabibilib makitang mas gusto na lang mag-pokus ni Rhian sa mga gawaing nagbibigay-inspirasyon at tulong sa mga tao, kaysa pansinin pa at patulan ang mga negatron.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …