Heart life lesson sa kanilang show ni Sean: magpakatotoo  

Heart Evangelista Sean Lucas The People Have Spoken

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG nakaraang Sabado ay nagpaalam na sa ere ang The People Have Spoken, hosted by Heart Evangelista and Sean Lucas.

Taos-pusong nagpasalamat ang dalawa sa lahat mga tumutok at nakisaya sa bawat episode ng kanilang game show.

Sa last episode ng show last October 17, pasabog ang season finale nang mapanalunan nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang P200,000 jackpot prize.

Bago tuluyang nagpaalam, nagbigay sina Heart at Sean ng kanilang message para sa People at kung ano-ano ang mga napulot nilang life lesson mula sa programa.

“Magpakatotoo ka, basta mabuti ang iyong puso. Only good will happen to you,” sey ni Heart.

“Hindi hahayaan ng Lord ibigay sa ‘yo ang mga bagay na hindi mo kakayanin. The goodness and the kindness of your heart will always win. Be yourself!” dugtong ng aktres.

Mensahe pa ni Heart, “After 20 exciting weeks and 20 super fun episodes, wala akong masasabi kung hindi maraming, maraming salamat. From the bottom of our hearts.”

Para naman kay Sean, “Respect everybody’s opinion. Hindi mo alam anong pinagdaraanan ng tao, so just be nice to everyone.

“We hope na marami kayong natutunan sa ating discussions dahil I myself learned a lot from the People and our celebrity guests.

“Marami rin akong na-share, alam n’yo ‘yan, masyadong marami. May natuwa, may hindi natuwa, but sa dulo ng lahat, ang importante, may respeto tayo sa isa’t isa. 

“Magkakaiba man tayo ng opinyon, I love you guys so much and maraming salamat!” sabi pa ni Sean.