MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin sa politika si Deo Balbuena na mas kilala bilang si Diwata ng Diwata Pares.
Kamakailan ay ngaghain si Diwata ng certificate of candidacy bilang ika-apat na nominee ng Vendors Partylist group.
Ayon kay Diwata nang mag-file ng kanyang COC, siya ang magiging boses ng mga vendor at maghahain siya ng “pares” sa Kamara sakaling maging bahagi ng susunod na Kongreso.
“Bakit hindi, kung gusto nila? Mag-a-unli rice tayo roon at free softdrinks,” tsika pa ni Diwata.