Wednesday , December 18 2024
Asenso Manileño Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Asenso Manileño powerhouse lineup ibinandera na sa publiko!

PORMAL nang iniharap sa publiko nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul Servo Nieto ang powerhouse  lineup ng Asenso Manileno para sa darating na 2025 Election.

Powerhouse lineup ng Asenso Manileño sa 2025 local poll iprinoklama

Namuno sa lineup ng Asenso Manileño ang re-electionists na tambalan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, Kasama ang kanilang partido para sa anim na distritong kinabibilangan ng Kongreso at 36 na upuan sa Konseho ng Maynila.

Sa naganap na pag-convene ng Asenso Manileño sa San Andres Sports Complex Biyernes ng hapon ay sinundan ito ng pormal na programa dakong alas-3 ng hapon.

Dito na ibinandera sa publiko at ipinakilala ni Party President Mayor Honey Lacuna sa  convention na si Manny Lopez ang kanilang opisyal na kandidato para sa Manila First District Congressman.

Nabatid na si  Lopez ay isa sa pinakabagong miyembro ng Asenso Manileño, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez at Manila First District Congressman na nanungkulan mula  2016  hanggang 2022.

Samantala, Ang lahat ng “sikat” na limang  House committee chairpersons naman ay kapwa mula sa partidong Asenso na  kinabibilangan nina :Rep. Rolando Valeriano (2nd District of Manila), Chair of the Committee on Metro Manila Development;  Rep. Joel Chua (3rd District of Manila), Chair of the Committee on Good Government and Public Accountability; Rep. Edward Maceda (4th District of Manila), Chair of the Revision of Laws Committee; Rep. Irwin Tieng (5th District of Manila), Chair of the Banks and Financial Intermediaries Committee and Rep. Benny Abante (6th District of Manila), Chair of the Committee on Human Rights.

Pormal na iniharap nina Mayora Lacuna at VM Servo  ang kanilang powerhouse line up ng Asenso Manileño para sa Konseho ng Maynila.

Inanunsyo para sa distrito uno :Atty.Eugene Santiago, Peter Ong, Marjun Isidro, Niño Dela Cruz, MC Bobby  Lim.

Para naman sa ikalawang distrito ay sina Dr. J. Buenaventura, Ninong Rod Lacsamana, Roma Robles,  Uno Lim, Marc Lacson, Director David Chua.

Bagyo rin anila na ituturing ang ng tiket ng distrito tres sa pangunguna nina Fa Fuguso, Atty. Jong Isip, Maile Atienza, Karen Alibarbar, Jeff Lau,

Buo naman ang lineup ng anim na kandidato sa pagka-Konsehal para sa ika-4 distrito na sina Roy Bacani, Dra Dianne Nieto, Director  Bong Marzan, Chairman Freddie Bucad, Science Reyes, Christianq Floirendo

Dalawang naman para sa konseho sa District 5 ay sina Bel Isip at Charry Ortega,

Solido rin anila ang tatlong kandidato ng distrito 6 na sina Doc. Francis Olazo, Fog Abante at Philip Lacuna

Napagalaman na sa kasalukuyang Konseho ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ay mayorya ng miyembro o 20 mga konsehal sa anim na distrito ng Maynila ay solidong miyembro na nagmula sa  Asenso Manileño bloc.  (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …