Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zyruz Imperial

Zyruz Imperial balik concert scene

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG makabuluhang konsiyerto ang magaganap sa October 16,  2024, 8:00 p.m. sa Joke Time, Gil Puyat Pasay City by singer/actor/painter and composer na si Zyruz Imperial entitled, A Man Has A Good Purpose.

Ani Zyruz, “Almost  three months ko binuo ‘yung konsepto ng concert, and ang purpose ko ay para makatulong sa mga talented artist na magkaroon sila ng exposure sa tulong na rin ninyo.

“Bale ‘yung mga kasama ko sa concert ay ‘yung mga artist na nakasama ko sa Kumu during pandemic, tapos naisip ko na gusto ko silang dalhin sa live stage concert.

“Medyo matagal-tagal din akong nawala sa showbiz, and this time gusto ko makonek sa mga nakasama kong nagsisimula like kayo (press) at ibang mga artist.”

Iniaalay din ni Zyruz ang kanyang concert sa Diyos na siyang nagbibigay sa kanya ng talento sa pagkanta.

Makakasama ni Zyrus sa concert sina Lance Reymundo, Jerome Laurel, Nathan Randal, PJ Gonzales, Maikee Mendoza, Jeff Almendras, at Jonathan Recto.

Ang Zyrus Imperial: A Man Has A Good Porpuse concert ay hatid ng APM (Asosayon ng Mga Pilipinong Mang Aawit International) at sa pakikilagtulungan ng  LV at Pamana Beach House/ El Mariano at Joke Time Comedy Bar, Direkted by Jeff Almendras.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …