Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alipato at Muog

Alipato at Muog nakatanggap ng R-16 rating

BINIGYAN ng Restricted-16 (R-16) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang documentary film na Alipato at Muog kasunod ng ginawa sa ikalawang pagsusuri sa kanilang pelikula.

Binubuo ang komite mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan nina Atty. Gaby Concepcion, Atty. Paulino Cases, Jr., producer ng pelikula at telebisyon na si JoAnn Bañaga, executive at music producer na si Eloisa Matias, at ang retiradong guro na si Maria Carmen Musngi.

Ayon sa komite, binibigyang konsiderasyon nila ang kahalagahan na mabalanse ang interes hindi lamang ng malayang pagpapahayag kundi maging ang interes ng bansa sa pagpapanatili ng integridad nito at ng kaayusan ng publiko.

Ipinahiwatig din na hindi nila kailangan ang mas malawak na pag-iisip para maintindihan at maunawaan ang mga seryosong usapin na nais ipakita ng dokumentaryo, habang tinitiyak na hindi malalagay sa alanganin ang paniniwala at kompiyansa ng manonood sa pamahalaan.

Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Nilinaw din ng MTRCB na habang sinusuportahan nito ang mga pelikula at programa na ipinalalabas sa mga kolehiyo at pamantasan na siyang nagsisilbing plataporma pagdating sa pagpapahalaga ng mga pelikula, kinakailangan din na maunawaan ng publiko na ang mga pampublikong eksibisyon ng mga pelikula sa paaralan ay nananatiling sakop ng mandato ng MTRCB.

Susog ito sa Section 7 ng Presidential Decree No. 1986 at sa umiiral na Implementing Rules and Regulations (IRR) na tanging ang mga pelikula, TV program, at pampublikong materyal na nag-request ng iniimprenta o ipinalalabas ng pamahalaan o ng mga ahensiya ng gobyerno ay malaya at hindi na kailangan suriin o klasipikahin ng MTRCB.halaga ng P150,000.00 bawat isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …