Tuesday , April 15 2025
Romm Burlat

Direk Romm sunod-sunod ang pagtanggap ng award

MA at PA
ni Rommel Placente

PROUD na proud kami para sa aming kaibigan na si Romm Burlat. Sunod-sunod kasi ang pagtanggap niya ng awards internationally at locally bilang isang direktor at aktor. 

Noong 2023, siya ang itinanghal na Best Supporting Actor sa prestigious Five Continents International Film Festival in Venezuela,  para sa pelikulang Tutop (Covered Candor)

Napanood namin ang pelikula, and in fairness, napakahusay talaga rito ni Direk Romm. Nagampanan niya ng buong ningning ang kanyang role bilang isang demented father. Deserving talaga siya sa award na ipinagkaloob sa kanya.

Bukod sa Best Supporting Actor trophy ni Direk Rom, ilan pa sa awards na nataggap ng Tutop ay ang Best Thriller FeaTure Film para sa ROMMantics  Entertainment Productions, Special Mention Best Screenplay-Direk Marvin Gabas, Best Art Direcion also for Marvin Gabas, Best Lightning for Vince Bustos, at Special Mention Sound  Design na napanalunan din ni Marvin.

Kaya naman very thankful si Direk Romm sa  mga award na napanalunan nila sa nasabing international award giving body.

Kamakailan naman ay tumanggap si Direk Romm bilang Outstanding Social Media, Movie and TV Director sa 8th Mandatory Continuing LegaL Education (MCLA) Accredited National Convention of Public Attorneys.

Sa September 8 ay gagawaran naman si Direk Romm sa Gawad Bayaning Pilipino bilang Natatanging Direktor ng Asya 2024. At tatanggap din siya ng pagkilala bilang Asian Pillar of Creative Excellence In Filmmaking mula sa Asian Pillars Awards.

Congratulations Direk Romm.

About Rommel Placente

Check Also

Pilita Corrales

Pilita Corrales pumanaw sa edad 85

KINOMPIRMA ng pamilya ng Asia’s Queen of Songs na pumanaw na ang veteran singer-actress na …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez muling uuwi ng ‘Pinas para sa promosyon ng all new OPM album

IPO-PROMOTE ni Nick Vera Perez ang ika-apat niyang album na all-original at all-new OPM ngayong Mayo 2025. …

MayMay Entrara

Maymay emosyonal, ina 2 taon nang nakikipaglaban sa cancer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ng aktres/singer na si MayMay Entrara na hindi naging madali sa kanya …

Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career …

Gela Atayde Time To Dance

Gela ikinatuwa pagbibigay halaga sa mga dancer

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND finals na ngayong Sabado, April 12 ng Time To Dance, ang dance …